-- Advertisements --

Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson for the West Philippine Sea at Philippine Navy Inspector General RAdm Roy Vincent Trinidad na magpapatuloy ang pagsugpo ng military at maging ng hanay ng buong hukbong sandatahan sa mga umano’y espionage activities ng China matapos ang pagkakaaresto ng tatlong Pilipino na siyang sangkot sa hinihinalang isang foreign-backed spying activities.

Ayon kay Trinidad, pinaniniwalaan pa rin ng militar na malaki ang posibilidad na mayroon pa ring mga natitirang espiya sa bansa na siyang gumagawa ng mga espionage activities para sa mga foreign entities.

Aniya, bagama’t kinokonsiderang case closed na ang kaso ng tatlong nahuling nageespiya ay nangangahulugang tapos na rin ang kanilang laban kontra sa mga ganitong aktibidad.

Kasunod nito ay ibinahagi naman ni Trinidad na ang mga nahuling Pilipino ay pawang may mga foreign accent.

Isa aniya sa kanila ang Korean sounding ngunit halatang Chinese national habang ang isa naman ay mayroong British-Australian Accent.

Isiniwalat rin ng tagapagsalita na inilahad ng isa sa mga naaresto na nakakaramdam umano ng takot ang mga handlers dahil sa rin sa ilang mga Chinese nationals din ang naaresto ng mga otoridad nitong mga nagdaang taon.

Samantala, nauna na rito ay inihayag din ni Trinidad na ang tatlong espiya ay nakakatanggap ng four-to-six digits na sahod mula sa mga transaksyon at mga impormayson na kanilang ibinibigay kasama na rin ang malalaking halaga ng mga bonus.

Tiniyak rin ni Trinidad na ang mga ginagawang trabaho ng Sandatahang lkas ng Pilipinas kontra sa pangeespiya ay hindi huhupa at magpapatuloy lamang sa kabila ng mga ganitong sitwasyon.