-- Advertisements --

Hindi kumbinsido si Senate President Vicente Sotto III sa kamakailang ruling ng Korte Suprema na tuluyang nagbasura sa Motion for Reconsideration na inihain ng Kamara na kumikwestyon sa unang desisyon ng SC na nagdedeklarang unconstitutional sa impeahemnt cade laban ky VP Sara Duterte.

Sa pagharap ni Sotto sa mga kawani ng media kaninang umaga, nanindigan ito na ang ginawang hakbang ng Korte Suprema ay panghihimasok sa proseso ng lehislatura.

Aniya , ito ay malinaw na paglabag sa eksklusibong kapangyarihan ng Kongreso na nakasaad sa constitution ng bansa.

Ipinunto pa ng Pangulo ng Senado na hindi na batas ang ginalaw ng Korte Suprema sa naging desisyon nito kundi ang konstitusyon mismo.

Naniniwala si SP Sotto na ang tinutumbok ng desisyong ito ng SC ay ayaw na nilang mayroong impeachment sa Pilipinas.

Samantala, nilinaw naman ni Sotto na ang kanyang pahayag ay hindi tumutukoy na sinumang indibidwal.

Una rito,tuluyan na ngang tinapos ng Korte Suprema ang reklamong impeachment na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.

Batay sa desisyon ng Supreme Court (SC) En Banc, pinagtibay nito na ang ika-apat na reklamong impeachment na ipinadala sa Senado noong Pebrero 5, 2025 ay bawal na sa ilalim ng Article XI, Section 3( Paragraph 5) ng Konstitusyon.

Binigyang diin rin ng korte ang pagkakaiba ng dalawang paraan ng impeachment: ang una ay dumaraan sa proseso ng Committee on Justice, samantalang ang ikalawa ay agad na naisasakatuparan kung may pirma ng isang-katlo ng mga miyembro ng Kamara.

Kaugnay nito ay nagpasalamat naman si Vice President Sara Duterte sa kanyang legal team at sa kanyang mga taga suporta dahil sa tagumpay na ito.