Nagpapatuloy ang effusive eruption ng Bulkang Mayon sa ika-23 sunod na araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang pag-agos ng glowing o incandescent lava flows, pyroclastic density currents (PDC) na kilala rin bilang “uson,” at madalas na rockfall noong Biyernes.
Batay sa datos ng PHIVOLCS hanggang nitong Enero 29, 2026, umabot na ang daloy ng lava sa humigit-kumulang 3.7 kilometro sa Basud Gully sa silangang bahagi ng bulkan, 1.6 kilometro sa Bonga Gully sa timog-silangan, at 1.3 kilometro sa Mi-isi Gullies.
Nananatili parin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone dahil sa banta ng biglaang pagsabog at mabilis na pag-agos ng lava at pyroclastic flows.















