-- Advertisements --

Kinondena ng ilang civic society groups ang ginawang hakbang ng Tsina hinggil sa isyu ng umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon ng bansa.

Naniniwala anila na ang babala ng Chinese Foreign Ministry na pagbabayarin ang sinumang pasimuno nito ay paglagpas na sa diplomasya.

Lantad na pananakot na umano ito nang hayagang magbigay babala ang dayuhang bansa sa mga miyembro ng uniformed services ng Pilipinas.

Sa grupong Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya, Filipinos Do Not Yield Movement at iba pa na Chairman Emeritus si Dr. Antonio Goitia, aniya’y ginampanan lamang ni Philippine Coast Guard Commodore Tarriela ang tungkulin.

Ang naging palitan ng pahayag raw nito at Chinese Embassy sa Maynila ay nagpapakita o may tangkang patahimikin ang bansa lalo na sa karapatan sa West Philippine Sea.

Nitong nakaraan lamang kasi ay inakusahan ng Tsina si Tarriela na nagsasagawa umano ng ‘smear campaign’ laban sa China kasunod ng paggamit ng caricatures naglalarawan kay Chinese Pres. Xi Jinping.

Pinakita rito ang representasyon na may kaugnayan sa mga aktibidad ng dayuhan bansa sa pinagtatalunang teritoryo o bahagi ng karagatan.

Ngunit iginiit ng opisyal ng Philippine Coast Guard na ang pagiging bukas o ‘transparency’ sa West Philippine Sea ay hindi probokasyon.