Nadiskubreng nagsimula ang umano’y aktibidad ng page-espiya na konektado sa China bago ang provisional agreement sa pagitan ng China at Pilipinas noong 2024.
Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, ilan sa mga kasong iniimbestigahan ay ilang taon na ang nakakalipas.
Patuloy din aniya ang paghahanap ng mga awtoridad para sa karagdagang leads.
Nauna na ring kunmpirma ni Año na itinigil na nila ang mga tinatawag na “operasyon” kasunod ng nabunyag na aktibidad ng page-espiya. Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad kung may ibang tanggapang tinarget subalit hindi na binanggit pa ang mga ito dahil nagpapatuloy ang paggulong ng imbestigasyon.
Aniya, nagawang madetect ang naturang mga aktibidad ng pange-espiya sa tulong ng Insider Threat program ng gobyerno, na ipinatupad sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Nang matanong naman ang National Security Adviser kaugnay sa pagtanggi ng embahada ng China sa mga alegasyon ng page-espiya, inaasahan aniya ng pamahalaan na magkaroon ng diplomatikong pakikipag-ugnayan sa naturang usapin subalit tumanggi nang magbigay pa ng karagdang komento.
Samantala, iniulat din ni Año na ilan sa impormasyong na-leak ay sensitibo subalit hindi naklasipika bilang top secret at wala aniyang seryosong banta sa pambansang seguridad base sa kasalukuyang findings.














