-- Advertisements --
Naglabas ng abiso ang Department of Transportation MRT-3 kaugnay ng pansamantalang paghinto ng operasyon ng tren sa darating na Holy Week.
Ayon sa Department of Transportation MRT-3, magsasagawa ng Annual Holy Week Maintenance Activity mula Abril 2 hanggang Abril 5, 2026.
Dahil dito, pansamantalang walang biyahe ang MRT-3 sa mga nasabing petsa upang maisagawa ang kinakailangang maintenance at matiyak ang mas ligtas at maayos na serbisyo para sa mga pasahero.
Inaasahan namang magbabalik sa normal ang operasyon ng MRT-3 sa Abril 6, 2026.













