Magbibigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Lines 1 at 2 (LRT-1 at LRT-2) sa Hunyo 12 bilang bahagi ng paggunita sa 128th Philippine Independence Day.
Para sa LRT-2, ipatutupad ang libreng sakay mula ala-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 at ala-5:00 ng hapon hanggang ala-7:00 ng gabi.
Ayon sa pamunuan ng tren, kailangan pa ring i-tap ang beep cards sa gate gaya ng normal na proseso, ngunit walang mababawas na pamasahe.
Para naman sa mga gagamit ng single journey tickets, maaaring dumaan sa teller booths upang makakuha ng libreng ticket.
Samantala, magpapatuloy din ang regular operations ng LRT-1 sa ilalim ng holiday schedule.
Magsisimula ang unang biyahe mula Dr. Santos at Fernando Poe Jr. stations sa ganap na alas-5 ng umaga, habang ang huling biyahe ay sa alas-9:30 ng gabi mula Dr. Santos at alas-9:45 ng gabi mula Fernando Poe Jr. Station.
Kasabay nito, nakikiisa rin ang mga transport agencies sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng sakay bilang pasasalamat sa mga mananakay at bilang suporta sa makasaysayang paggunita ng bansa.














