-- Advertisements --

Hindi natinag si Department of National Defense (DND) Secretary Gibo Teodoro sa pangamba ng mga Filipino-Chinese business group na magkakaroon ng hindi magandang epekto ang patuloy na sagutan ng Pilipinas at China ukol sa West Philippine Sea.

Ayon kay Teodoro, na hindi dapat sisihin ang mga Filipino dahil ang China ang siyang nagpupumilit na angkinin ang WPS.

Mula pa nooon aniya ay hindi tumitigil ang China sa pambubully sa mga mangigisdang Pinoy na naglalayag sa karagatan natin.

Ipinapaubaya na lamang nito sa mga mamamayan na humusga sa ilang mga lider at opisyal ng bansa na tila ipinagtatanggol pa ang maling ipinaglalaban ng China.