-- Advertisements --

Maghahatid ng libreng sakay sa ilang mga ruta ang Department of Transportation (DOTr) kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno upang maalalayan ang mga komyuter sa gitna ng masamang lagay ng panahon.

Maaaring ma-avail ang libreng sakay sa mga sumusunod na ruta mula alas-6:00 ng umaga hanggang mamayang alas-8:00 ng gabi ngayong Martes, Agosto 18: (vice versa)

-Quiapo to Fairview
-Lawton to PITX
-Divisoria to Cubao (via Nagtahan)
-Baclaran to Monumento (via Taft)
-Lawton to Muntinlupa (Starmall)
-Heritage to Market Market
-Monumento to PITx (Busway route)
-Kalentong to Pasig
-Buendia to Makati Avenue
-Quiapo to Commonwealth
-Marikina to Cubao
-Sta. Mesa to Q. Avenue (via Araneta)
-Baclaran to Sucat
-Divisoria to Monumento

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, nasa kabuuang 43 sasakyan ang idedeploy ng pamahalaan para alalayan ang mga na-stranded na komyuter.

Posible namang palawigin ang libreng sakay kung kinakailangan.

Ang naturang inisyatiba ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na masiguro ang kaligtasan ng mga komyuter sa mas maraming lugar sa Metro Manila na nakararanas ng mga pagbaha dahil sa patuloy na mabibigat na pag-ulan.

Kabilang sa mga ahensiya na kabahagi sa programa ang Office of the President, Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority, Civil Aviation Authority of the Philippines, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Department of Energy, Department of Labor and Employment, at Philippine Army.