-- Advertisements --

Isinapubliko muli ng Metropolitan Manila Development Authority ang electric ‘Love Bus’, kung saan libre itong mapapakinabangan ng mga Filipino commuter.

Pinangunahan ni First Lady Liza Marcos, at ni MMDA Chairman Don Artes, ang inagurasyon ng electric buses. Ilang mga alkalde rin sa Metro Manila ang present sa nasabing aktibidad.

Magsisimula namang mag-operate ang love bus, bukas, araw ng Huwebes, September 10, mula 6:00 A.M hanggang 9 P.M.

Nagdonate ng anim na electric bus ang ilang pribadong kumpanya at ilang lokal na pamahalaan, habang magdadagdag naman ng 12 units ang MMDA.

Ayon kay MMDA Chairman Artes, kaya umanong mag-accomodate ng bus ng hanggang 36 na pasahero.