-- Advertisements --

Magbibigay ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) at iba pang ahensya ng gobyerno ngayong Martes, Agosto 18, para matulungan ang mga commuter na stranded dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila.

Magsisimula ang libreng sakay alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

Aabot sa 43 sasakyan ng pamahalaan ang ide-deploy para tulungan ang mga commuter na nahirapang makauwi o makapasok sa trabaho dahil sa pagbaha.

Kabilang sa mga rutang may libreng sakay (vice versa) ang:

  • Quiapo to Fairview
  • Lawton to PITX
  • Divisoria to Cubao (via Nagtahan)
  • Baclaran to Monumento (via Taft)
  • Lawton to Muntinlupa (Starmall)
  • Heritage to Market Market
  • Monumento to PITx (Busway route)
  • Kalentong to Pasig
  • Buendia to Makati Avenue
  • Quiapo to Commonwealth
  • Marikina to Cubao
  • Sta. Mesa to Q. Avenue (via Araneta)
  • Baclaran to Sucat

Nakikiisa rin sa programa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority, LTO, LTFRB, Department of Energy, DOLE at Philippine Army.