-- Advertisements --

Handang makipagpulong si Interior Secretary Jonvic Remulla sa grupong True Brown Style (TBS).

Ayon kay Remulla na magagawa lmaang ito kapag tigilan na ng grupo ang kanilang pagpapalaganap ng krimen.

Giit ni Remulla na hindi maiaalis ang nasabing negatibong impresyon sa grupo dahil sa mga nagdaang rekord na naitala mula sa iba’t-ibang komunidad.

Mayroon na ring listahan ang mga otoridad ng mga miyembro ng nasabing grupo.

Inihayag ito ni Remulla matapos na umalma ang grupo na inuugnay sila sa pagpapalaganap ng krimen sa bansa.