-- Advertisements --

Magpapatupad ng Heightened Alert Status ang Department of Transportation (DOTr)-Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3, 2026, bilang bahagi ng paghahanda para sa Oplan Byaheng Undas 2026.

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng seguridad, magde-deploy ang MRT-3 ng 700 security personnel sa buong linya upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, lalo na sa inaasahang pagdami ng mga biyahero sa panahon ng Undas.

Layunin ng hakbang na ito na mapanatili ang kaayusan at seguridad sa mga istasyon at iba pang bahagi ng operasyon ng MRT-3 habang ginugunita ng publiko ang Undas at bumibisita sa mga sementeryo at memorial park.

Samantala, tiniyak na mananatiling normal ang operasyon ng MRT-3 sa Oktubre 29 at 30.