Nakipagpulong din si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay UN Secretary General António Guterres sa UN Headquarters sa New York City upang talakayin ang iba’t ibang isyu, kabilang ang kandidatura ng Pilipinas para sa isang non-permanent seat sa United Nations Security Council.
Ang bilateral na pulong nina Pangulong Marcos at Secretary-General Guterres ay muling nagpapatibay sa matagal nang ugnayan at pakikipagtulungan ng Pilipinas at ng pandaigdigang organisasyon.
Ang kandidatura ng Pilipinas para sa isang non-permanent seat sa UN Security Council (UNSC), kung saan gaganapin ang halalan sa Hunyo 3, 2026, ay magsisilbing karagdagang pagpapatibay ng matibay na ugnayang ito.
Huling nagkita sina Pangulong Marcos at Secretary-General Guterres noong Oktubre 2025 sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations Summit at Related Summits na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Kasama ni Pangulong Marcos sina Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa P. Lazaro, Philippine Permanent Representative to the United Nations in New York, Ambassador Enrique A. Manalo, Philippine Ambassador to the United States, Jose Manuel G. Romualdez, and Acting Presidential Communications Office Secretary Dave M. Gomez.
















