-- Advertisements --

Nakahanda ang Makabayan bloc na muling isampa ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte matapos ibasura ng Supreme Court En Banc ang Motion for Reconsideration ng House of Representatives na kumukwestyon sa naunang desisyon ng Korte na idineklarang hindi valid ang mga artikulo ng impeachment.

Ayon sa Makabayan bloc lawmakers, pinahirapan ng SC ruling ang tinaguriang “fast track” na proseso ng impeachment ng liderato ng Kamara, kaya mas mahirap na ngayon panagutin ang mga mataas na opisyal. 

Gayunpaman, nananatiling valid ang mga alegasyon laban kay VP Duterte, kabilang ang diumano’y paglabag sa tiwala ng publiko, maling paggamit ng confidential funds, at pattern ng pang-aabuso ng kapangyarihan.

Sa pahayag ng Makabayan Bloc hindi pwedeng ipagpaliban ang pananagutan at kailangan makamit ang hustisya.

Nananawagan din ang mga ito sa Kongreso at publiko na suportahan ang nasabing hakbang para sa transparency at good governance.