-- Advertisements --
Nalusutan ng NLEX ang Magnolia 112-105 sa kanilang paghaharap sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup.
Nananatiling wala pang talo ang NLEX 2-0 habang ang Magnolia ay wala pang panalo sa dalawang laro.
Nanguna sa panalo ng NLEX ang import na si Cady Lalanne na mayroong 24 points at 10 rebounds habang mayroong 14 points si Schonny Winston.
Mayroon tig-14 points naman sina Robert Bolick at JB Bahio habang tig-13 points din sina Kevin Alas at rookie LJ Gonzales at 11 points naman si Tony Semerad para sa Road Warriors.
Hindi naman umubra ang nagawang 32 points ni import Nuni Omot para sa Magnolia.
















