-- Advertisements --

Napanatili ng Brooklyn Nets ang malinis na record sa nagpapatuloy na preseason games ng NBA, matapos nitong itumba ng Washington Wizards ngayong araw (Oct. 13), 131-122.

Dahil sa panibagong panalo, hawak na ng Brooklyn ang 3-0 win-loss record.

Pinangunahan ng batikang forward na si Michael Porter Jr. ang panalo ng Nets matapos niyang ibulsa ang 22 points, dalawang steal, isang block, at apat na rebounds sa loob ng lamang ng 24 mins na pananatili sa hardcourt.

Nag-ambag naman ng 14 points, siyam na assists, at isang steal ang kaniyang kasamang forward na si Juluis Randle habang ang Nets reserve na si Nolan Traore ang nanguna sa bench sa kaniyang 17 points.

Kontrolado ng Nets ang pacing ng laban mula simula hanggang sa pagtatapos kung saan napanatili ng koponan ang single-digit lead sa kabuuan.

Bagaman pinilit ng Wizards na bumangon sa 3rd at 4th quarter, hindi nito nakayang lagpasan ang magandang shooting performance ng Nets na umabot pa sa mahigit 56% ang overall shooting percentage.

Samantala, matapos ang tatlong games ngayong preseason, hawak na ng Washington ang kartadang 2-1.