Ipinagtanggol ni Atty. Paolo Panelo ang tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte , ang paninindigan ng bise presidente sa China sa gitna ng mga batikos kaugnay ng umano’y pananahimik nito sa tensiyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Panelo, hindi dapat I-demonize ang Beijing para sa pampulitikang propaganda at hindi dapat nakabatay sa mga pag-atake sa politika ang ugnayan ng Pilipinas sa China.
Matagal nang nahaharap si Duterte sa batikos kaugnay ng umano’y kawalan ng malinaw na pahayag sa mga tensiyon sa West Philippine Sea, kung saan patuloy na hinaharap ng pilipinas ang mga insidente ng panghihimasok ng China.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na kung mapatutunayang totoo ang umano’y perang mula China na iniuugnay kay Duterte, maaari itong maging seryosong banta sa pambansang seguridad.
Gayunman, nananatiling alegasyon ang mga usaping ito at hindi pa patunay ng anumang paglabag.















