Dinala na sa pagamutan si Pope Leo XIV para sumailalim sa operasyon.
Ayon sa Vatican, nasa Agostino Gemelli University Policlinic hospital ang 71-anyos na Santo Papa para matanggal ang kaniyang “nodule” sa kaniyang lung.
Ang nodule ay namuong tissue na ito ay kusang lumalaki.
Ang nasabing pagamutan ay mayroong special suite ng kuwarto para sa Santo Papa sa ika-sampung palapag.
Ang nasabing kuwarto ay tinawag noon ni Pope John Paul II bilang “Vatican three” dahil sa madalas itong dinadala sa nasabing pagamutan.
Dahil sa pagsasailalim ng Santo Papa sa operasyon ay kinansela nito ang lahat ng mga public events niya ng hanggang Oktubre 20.
Magpapatuloy ang trabaho ng Vatican habang nasa pagamutan ang Santo Papa subalit kanilang kakanselahin ang anumang dokumento na kailangan ng pirma ng Santo Papa.















