-- Advertisements --

Napigilan ng Memphis Grizzlies ang comeback attempt ng Chicago Bulls, 104-100.

Pinangunahan ni Grizzlies guard Ty Jerome ang panalo ng naturang koponan, gamit ang 62.5 shooting percentage. Nagpasok si Jerome ng limang field goals kung saan apat dito ay pawang 3-pointers.

Hawak ng Grizzlies ang 10-point lead sa pagtatapos ng first half ng laban, dahil sa magandang shooting performance ng koponan.

Gayonpaman, nagawa ng Chicago na ibaba ang kalamangan sa tatlong puntos, pagsapit ng 3rd quarter, dahil sa impresibong performance ni Bulls forward Caleb Wilson.

Pinilit pang burahin ng Bulls ang nalalabing 3-point lead sa 4th quarter, ngunit napigilan ito ng Memphis sa huling mga minuto ng laban.

Sa pagkatalo ng Bulls, gumawa ng 21 points si Wilson habang 17 big points naman ang naipasok ng guard na si Norman Powell.

Ito ang ikalawang panalo ng Memphis ngayong preseason, hawak ang 2-1 na kartada. Hawak naman ng Bulls ang 1-1 win-loss record.