-- Advertisements --
Tinambakanng TNT Tropangg Giga ang Terrafirma Dyip 116-92 sa muling pagpapatuloy ng 2026 PBA Governor’s Cup.
Nanguna sa panalo ng TNT si Calvin Oftana na nagtala ng 31 points habang mayroong 26 points ang bagong import na si Nick Hornshy sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Mayroon ng limang panalo at apat na talo ang Tropang 5G kung saan nasa pangatlong puwesto na sila kasama ang Converge FiberXers.
Habang ang Terrafirma ay mayroong tatlong panalo at anim na talo na nasa ikalimang puwesto.
Nasayang naman ang nagawang 27 points ni Maverick Ahanmisi para sa Dyip.
















