-- Advertisements --
Hindi na makakapaglaro sa Gilas Pilipinas si Rhenz Abando matapos na magtamo ito ng ankle injury habang naglalaro sa Korean Basketball League.
Natamo nito ang injury sa huling segundo ng ikalawang quarter sa laban ng Anyang Jung Kwan Jang Red Boosters at Busan KCC Egis.
Sa 26.2 segundo na natitira ay naapakan nito ang paa ng ka-teammate na si Rashawn Thomas.
Dahil sa matinding sakit ay agad siyang inalalalayang palabas sa playing court.
Nagtapos sa anim na puntos , dalawang rebounds si Abando at hindi na nakabalik pa sa laro.
Magugunitang noong nakaraang linggo ng kasama ang pangalan ni Abando sa listahan ng final 12 na manlalaro ng Gilas Pilipinas para FIBA World Cup Asian Qualifier na gaganapin sa Malaysia.
















