-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro ng ilang linggo sa PBA Governor’s Cup si Paul Lee dahil sa injury.

Ayon kay coach LA Tenorio na nagtamo ng calf injury ang veteran guard ng Magnolia Hotshots.

Dagdag pa nito na maaring aabot sa mahigit tatlong linggo bago makabalik sa paglalaro si Lee.

Maaring sa playoffs na aniya makapaglaro si Lee subalit depende pa rin aniya ito sa kondisyon ng kaniyang injury.

Mayroong average si Lee na 4.8 points, 1.5 rebounds at 2.5 assists bago ang 58 araw na break.