-- Advertisements --

Inaprubahan ng House Committee on Energy noong Oktubre 12 ang mga panukalang batas na naglalayong alisin ang system loss charge sa mga konsyumer at palawakin ang paggamit ng sariling power generation system sa mga tahanan.

Aabot sa 43 house bills at dalawang resolusyon ang inihain upang wakasan ang pagpapasa sa mga konsyumer ng gastos na dulot ng mga pagkalugi sa sistema ng distribusyon ng kuryente.

Ayon sa mga nagsusulong ng panukala, hindi makatarungang pagbayarin ang mga konsyumer sa kuryenteng hindi nila nagagamit.

Itinuring din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na prayoridad ng lehislatura ang usapin sa kaniyang sona noong Hulyo 2026.

Inaprubahan din ng komite ang panukalang “Sariling kuryente act,” na naglalayong hikayatin ang paggamit ng mga sistema ng paglikha at pag-iimbak ng kuryente sa mga tahanan, kabilang ang solar technology.

Layunin nitong mapababa ang bayarin sa kuryente at mabawasan ang pagdepende sa power grid.

Kapwa panukala ang naglalayong amyendahan ang Republic Act no. 9136 o Electric Power Industry Reform act of 2001.