Iniulat ng Department of Energy (DOE) ang patuloy na paglago ng electric vehicle (EV) industry sa Pilipinas, batay sa monitoring ng ahensiya.
Batay sa datos, umabot na sa halos 400 electric vehicle ang nairehistro sa Pilipinas, na pawang nakapag-comply sa mga panuntunang itinatakda ng Vehicle Fuel Economy Labeling program (VFELP).
Pinakamarami rito ay mga Battery Electric Vehicles na umaabot na sa halos 200 at sinundan ng mahigit 100 na Hybrid Electric Vehicles.
Tiniyak naman ng DOE ang tuloy-tuloy na pagsuporta ng pamahalaan sa naturang industriya.
Sa ngayon, mayroong kabuuang 1,511 charging points sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas, mahigit 740 sa mga ito ay pawang AC charging points.
Napapanatili rin, ayon sa DOE, ang P23.71/ kWh na bayad sa pag-charge ng mga naturang uri ng sasakyan.
Batay pa sa datos ng ahensiya, mayroong mahigit 250 operator, supplier, at service provider ng electric vehicle sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Inaasahang lalo pang tataas ang bilang ng mga tatangkilik at papasok sa electric vehicle industry habang nasa kalagitnaan ng krisis sa produktong petrolyo dahil sa tumitinding giyera sa Gitnang Silangan.
















