-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.30 na bawas sa kada litro ng diesel.

Habang mayroong P1.93 na pagtaas sa kada litro ng gasolina at P3.30 na taas sa kada litro ng kerosene.

Ayon sa Department of Energy (DOE) , nananatiling mataas ang presyo ng langis dahil sa patuloy na tensiyon sa gitnang silangan.