-- Advertisements --

Pinalalakas ng pamahalaan ang paghahanda para sa posibleng epekto ng “Super el niño,” partikular sa water shortage at matinding tagtuyot.

Ayon kay Malacanang press officer undersecretary Claire Castro, nagtipon na ang mga concerned agencies noong mayo 25 para paghandaan ang weather phenomenon.

Naghanda ang National Irrigation Administration ng mitigation plan, kabilang ang paggamit ng groundwater maps, maintenance at rehabilitation ng solar-powered pump irrigation systems, at pag-deploy ng mobile solar pumps sa mga drought-prone at water-stressed areas.

Samantala, naghahanda ang DENR para sa water security, forest fire prevention at energy conservation, habang sinusuri ng department of agriculture ang irrigation systems at drought-resistant crops.

Nakalaan din ang financial assistance para sa mga magsasaka at mangingisda.

Naghahanda naman ang Department of Energy para sa posibleng power interruptions, habang ang health authorities ay magpapatupad ng hydration, cooling measures at health monitoring para sa vulnerable groups.

Tinitingnan din ng palace at DBM ang posibilidad ng karagdagang pondo.