Muling nanawagan ang isang mambabatas para sa kadyat na pagsususpinde o pagbabawas ng ‘excise tax’ sa produktong petrolyo.o’y kasunod sa patuloy at panibagong malakihang pagtaas sa presyo ng langis na siyang idinadaing lalo na ng mga motorista at manggagawang Pilipino.Ayon kay Navotas City Rep. Toby Tiangco, maaaring ipatupad ang suspensyon sa ‘excise tax’ sapagkat nakasaad naman sa ilalim ng Republic Act No. 12316 na may kapangyarihan ang pamahalaan na ito’y gawin o miski mabawasan.
Buhat kasi nang sumapit ang ika-22 ng Setyembre, tumaas ng P8.82 kada litro ang presyo ng diesel, P4.88 ang gasolina, at P6.47 ang kerosene.
Aabot sa P18.31 kada litro sa diesel, P15.25 sa gasolina at P16.67 sa kerosene ang itinaas sa loob lamang ng nakalipas na tatlong linggo.
Kaya’t naniniwala ang mambabatas na ang kasalukuyang sitwasyon ay ang siyang mabigat na dahilan kung bakit kinakailangan handang suspendihin o bawasan muna ng pamahalaan ang ipinapataw na ‘excise tax’ sa produktong petrolyo.
Naniniwala siyang pansamantalang sakripisyo lamang ito subalit agaran makapagbibigay naman ng direktang ginhawa sa mamamayan.
















