-- Advertisements --

Pinalakas ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatrolya sa loob at paligid ng mga pangunahing shopping mall upang mapanatili ang kaayusan at seguridad ngayong nagsisimula na ang holiday season.

Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., muling isinaayos ng iba’t ibang police unit ang kani-kanilang deployment plan upang epektibong matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga mamimili sa mga establisyimento.

Binigyang-diin ni Nartatez na nais nilang matiyak ang payapang pagdiriwang ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pinaigting na police visibility at foot patrols upang masolusyunan o mapigilan ang anumang posibleng insidente ng krimen.

Sa ilalim ng nasabing sistema, magbubukas ang mga mall mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi tuwing weekdays, habang ipinagbawal din ang mga mall-wide sale sa mga araw na ito upang maibsan ang posibleng matinding trapiko.