-- Advertisements --

Nakatakdang magtaaas pa rin ang presyo ng mga cooking gas kahit na nagpasya ang Malacañang na suspendihin ang excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene.

Ayon kay Arnel Ty ang LPG Marketeers Association, na kahit na tinanggal na ang excise tax sa Liquefied petroleum gas (LPG) ay mayroon pa ring pagtaas ng P4 kada kilo kung ang unang plano ay maging P10 ito kada kilo ang itataas.

Handa umano ang kanilang grupo na utay-utayin ang pagtaas ng presyo ng kanilang LPG.

Magugunitang inirekomenda ng Department of Finance (DOF) ang temporaryong suspensyon ng excise tax pero sa LPG at kerosene at hindi kasama ang diesel at gasolina.