Nabigo si Pinoy boxing legend Nonito Donaire Jr laban kay Riku Masuda sa kanilang bantamweight title eliminator sa Yokohama, Japan.
Sumuko na ang kampo ng 43-anyos kaya itinapon nila ang puting towel pagdating ng ika-walong round.
Sa simula pa lamang ng laban ay pinaulanan ng suntok ng nakakabatang Japanese boxer si Donaire.
Bahagyang nakabawi si Donaire sa ikalimang round kung saan tinamaan niya ng kaniyang left hook na sinundan ng right hook ang 28-anyos na Japanese boxer.
Pagpasok ng ika-anim na round ay nakabawi ang Japanese boxer at napatumba pa nito ang Pinoy boxer.
Ito na ang pangalawang sunod na talo ni Donaire na mayroong record siya ngayon na 43 panalo at 10 talo na may 28 knockouts habang ang Japanese boxer na si Masuda ay mayroong 10 panalo at isang talo.
Noong Disyembre kasi ay natalo si Donaire kay Seiya Tsutsumi ng Japan sa pamamagitan ng split-decision.















