-- Advertisements --

Nagpatupad ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng flight ban o pagbabawal ang pagpapalipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa mga bulkang Mayon sa Albay, Bulusan sa Sorsogon, Kanlaon sa Negros at Taal sa Batangas hanggang alas-9:00 ng umaga bukas, Biyernes, Oktubre 17.

Inisyu ang naturang abiso kasunod na rin ng patuloy na mga aktibidad ng nasabing mga bulkan.

Saklaw nito ang flights na may vertical limits mula sa surface hanggang 11,000 talampakan pataas.

Gayundin, nagpatupad ang CAAP ng vertical limit ng hanggang 10,000 talampakan mula sa ground para sa mga flight na malapit sa Bulkang Bulusan.

Una rito, nakapagtala ang bulkang Taal ng minor phreatic eruption noong Oktubre 13 habang ang Kanlaon naman ay nakapagtala ng 81 volcanic earthquakes nitong umaga ng Huwebes.

Sa Bulusan naman 72 volcanic earthquakes ang naitala at sa Mayon ay huling nakapagtala ng increased activity noong nakalipas na buwan.