-- Advertisements --

Nalusutan ng NLEX Road Warriors ang Blackwater 84-81 sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup.

Binura ng NLEX ang unang 16-points na kalamangan ng Blackwater at nakuha nila ang panalo sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Bumida sa panalo ng NLEX si Robert Bolick na nagtala ng 24 points habang mayroong 22 points si Cady Lalanne.

Nalimitahan laman sa 10 points, limang rebounds at tatlong assists ang nagawa ni Schonny Winston sa unang paglalaro niya sa NLEX.

Habang nasayang naman ang nagawang 18 points ni Sedrick Barefield para sa Blackwater.