-- Advertisements --

Muling gumawa ng panandaliang lava fountain ang Mayon Volcano, batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nairehistro ito ng ahensiya sa ika-66 na araw na effusive eruption ng bulkan.

Namataan ng Phivolcs ang ‘incandescent fountain’ na nagdulot ng pagbagsak ng mga nagbabagang bato (ballistic fragments) sa southwest at eastern slopes pababa sa mga dalisdis ng bulkan.

Umabot naman sa 1,500 metro ang taas ng ash plume na tinangay ng hangin patungong east-northeast.

Sa kasalukuyan, nanatili sa Alert Level 3 ang naturang bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-km Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa banta ng lava flows, rockfalls, at uson (PDC).