-- Advertisements --

Hawak na ng San Miguel Beermen ang kalamangan 3-2 sa best of seven finals ng PBA 50th Season Philippine Cup nila ng TNT Tropang 5G.

Binurang Beermen ang 16 points na kalamangan para makuha ang panalo 96-82 sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo City.

Bumida panalo ng Beermen si Rodney Brondial na nagtala ng 17 points at 15 rebounds.

Nagtala naman ng 14 points at 11 rebounds si June Mar Fajardo habang mayroong 14 points si Don Trollano, 12 points naman si Kris Rosales.

Mayroon namang tig-11 points sina Marcio Lassiter at Mo Tautuaa habang 10 points ang naitala ni CJ Perez.

Dahil dito ay isang panalo na lamang ang kailangan ng Beermen para makuha nila ang kampeonato.

Sa simula ay umaragkada agad ang TNT na 23-7 hanggang makahabol ang Beermen at mabawasan ang kalamangan sa 48-47 sa pagtatapos ng halftime.

Nakontrol ng Beermen ang ikatlong quarter kung saan umarangkada sila 9-0 at nahawak ang 77-61 na kalamangan.

Inamin ni San Miguel head coach Leo Austria na nahirapan sila subalit naging matindi lamang ipinamalas ng kaniyang mga manlalaro para makuha ang panalo.

Nasayang naman ang nagawang 20 points at pitong rebounds ni Calvin Oftana habnag mayroong 13 points si Jordan Headling at 11 points naman kay Henry Galinato.