-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ng Gilas Pilipinas Women sa FIBA Womens’ World Cup Qualifying Tournament.
Tinalo nila ang Colombia sa score na 74-59 sa laro na ginanap sa Astroballe sa Lyon, France.
Dahil dito ay hindi uuwi ang Gilas Women ng wlaang panalo.
Nitong araw ng Linggo kasi ay tinalo sila ng South Korea kaya nawala na ang tsansa nila para maka-abanse sa World Cup.
Bumida sa panalo ng koponan si Kacey dela Rosa na nagtala ng 25 points at 19 rebounds habang mayroong 21 points si Sumayah Sugapong.
Ayon kay Gilas Women head coach Patrick Aquino na isang karangalan ang makapaglaro sa nasabing torneo kung saan maraming aral silang natutunan.
















