-- Advertisements --

Nakapagtala ang Pilipinas ng mas mataas na halaga ng cash remittances mula sa mga overseas Filipino workers (OFW) nitong Setyembre 2026 kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Batay sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa $3.20 billion o katumbas ng P20.4 billion ang ipinadalang pera ng mga OFW nitong Setyembre, na mas mataas kaysa sa naitalang $3.12 billion o P19.9 billion noong Setyembre 2025.

Nanguna ang Estados Unidos sa pinagmulan ng mga naturang padala na umabot sa 39.8 porsiyento ng kabuuang halaga.

Sinundan ito ng Singapore na nagtala ng 7.1 porsiyento, at ng Saudi Arabia na nakapag-ambag naman ng 6.4 porsiyento.

Ayon sa BSP, ang patuloy na pagpasok ng cash remittances ay malaking tulong sa pang-araw-araw na gastusin ng mga pamilyang Pilipino at sa pagpapasigla ng domestic economic activity.

Binigyang-diin pa ng central bank na patunay ito ng matatag at mahalagang kontribusyon ng mga OFW sa paglago ng ekonomiya ng bansa.