-- Advertisements --

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas para sa pagbibigay ng Philippine citinzenships sa mga basketbolistang sina Maodo “Malick” Diouf at Elizabeth Jeanette Means.

Ipinasa ng mga Senador ang House Bill Nos. 6640 at 6641 para maging ganap na Pilipino ang dalawa na siyang makakatulong para mapalakas ang baskteball program ng bansa.

Pinangunahan ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang pag-sponsor ng nasabing panukalang batas kung saan binigyang halaga nito ang malaking tulong ng dalawang atleta sa basketball program ng bansa.

Ipapasa na ito sa Office of the President para pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at tuluyan ng maging batas ito.

Si Diouf ay naglalaro bilang foreign student athlete ng University of the Philippines kung saan naging susi ito sa pagkampeon ng Fighting Maroons noong UAAP Season 84 men’s basketball noong 2022.

Habang si Means ay naglaro sa NCAA Division II sa US para sa Westminster University kung saan ang pamilya nito ay tubong Naga, Camarines Sur.