Hawak na ni Steve Kerr ang 600 career wins bilang isang basketball coach sa National Basketball Association (NBA).
Nakuha ng batikang coach ang ika-600 panalo matapos pataubin ng Golden State Warriors ang Washington Wizards ngayong March 17, 125-117. Ito ang unang panalo ng GS matapos ang limang magkakasunod na nalasap na pagkatalo.
Batay sa kasaysayan ng liga, si Kerr ang ika-apat na pinakamabilis na coach na nakapagbulsa ng 600 wins. Nagawa niya ito sa loob ng 943 games, kasama ang Golden State.
Sinundan niya ang mga basketball legend na sina Phil Jackson (805), Pat Riley (832), at Gregg Popovich (887).
Ibinulsa ng 4-time NBA champion (bilang coach) ang kaniyang 600 career wins sa kaniyang ika-12 season sa naturang koponan.
Samantala, si Kerr ang ika-28 coach sa kasaysayan ng NBA na nagkaroon ng 600 panalo. (report by Bombo Genesis)
















