Inaresto ng mga federal agents ang dating anchor ng CCN na si Don Lemon dahil sa sangkot ito sa kilos protesta sa simbahan sa Minnesota.
Kinumpirma ito ng kaniyang abogado ganunang opisyal ng US Justice Department.
Nag-livestream kasi si Lemon ng nagaganap na kilos protesta noong nakaraang mga linggo na nagdulot ng pagkakaantala ng misa sa St. Paul,Minnesota.
Paliwanag na Lemon na nasa lugar ito para i-cover ang nagaganap na immigration crackdown ni US President Donald Trump.
Nahaharap ito sa kasong conspiring to deprive others ng kanilang civil rights at paglabag ng FACE Act ang obstructing access sa house of worship.
Kinondina naman ng abogado nito na si Abbe Lowell na ang pag-aresto ay isang paglabag sa freedom of speech.
Si Lemon na ang pangalawang journalist na inaresto ng federal agents dahil noong nakaraang mga linggo ay inaresto nila ang reporter ng Washington Post.















