-- Advertisements --

Nakatakdang pulungin ni White House border czar Tom Homan ang ilang residente ng Minnesota para alamin ang mga saloobin ukol sa pagpapatupad ng paghihigpit ng Immigration Customs Enforcement (ICE).

Una na niyang nakapulong sina Minnesota Governor Tim Walz, Attorney General Keith Ellison at Minneapolis Mayor Jacob Frey ganun din ilang mga opisyal ng kapulisan.

Dagdag pa nito na marami silang mga tinalakay bagamat hindi lahat sinang-ayunan ay marami pa ang nais nilang pag-usapan.

Hinamon nito ang mga kontra sa ipinapatupad na paghihigpit ng mga ICE agents na dalhin sa kongreso ang kanilang hinaing para mabago ang batas.