-- Advertisements --
Ilang mga kasunduan ang natalakay sa pagbisita ni British Prime Minister Keir Starmer sa China.
Personal ito ng nakapulong si Chinese President Xi Jinping kung saan ilan sa mga kasunduan ay ang pagpayag sa mga British citizens na bumiyahe sa China sa loob ng 30 araw ng walang visa.
Kasama rin dito ang pagbawas ng buwis ng mga whisky ng UK mula sa dating 10 percent ay gagawin na lamang itong five percent.
Nais kasi British government na mapalakas ang kanilang economic ties sa China.
Si Starmer lamang ang unang British leaders na bumisita sa China sa loob ng walong taon.
















