-- Advertisements --

Pinabagsak ng fighter jets ng Qatar ang Iranian bombers na patungo sana sa US airbase.

Ayon sa Qatari military na mabilis nilang naharang ang bomber ng Iran na patungo sana para bombahin ang al-Udeid ang pinakamalaking US military base sa Qatar.

Naharang din ng air defenses ng Abu Dhabi ang mga papalapit na missiles at drones mula sa Iran.

Sinabi ng ministry of defense, na ang malakas na pagsabog na narinig ng mga residene ay resulta ng pagharang ng kanilang Air Defense Systems sa mga missiles at drones.

Pumalo naman sa 1,230 ang nasawi sa panig ng Iran mula ng ilunsad ng Israel at US ang pag-atake nito ng Sabado.

Ang nasabing bilang ay nalagpasan na ang naiulat na 1,190 na nasawi noong unang inatake ng US at Israel ang Iran noong Hunyo ng nakaraang taon.

Pinapamadali naman ng United Kingdom ang pagpapalikas sa mga mamamayan nila naiipit sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon kay British Prime Minister Keir Starmer, na may mga chartered flights na silang kinuha para mapabilis ang paglikas.

Paliwanag din nito na nasa defense mode pa rin sila kung saan kanilang dinedepensahan ang mga military base ng UK na nasa Middle East.