Itinutulak ni Senador Risa Hontiveros ang pagpapataw ng parusa sa gender-based violence laban sa mga kababaihang sangkot sa pulitika, sa pamamagitan ng senate bill no. 2567.
Saklaw ng panukala ang mga kandidatong babae, halal at itinalagang opisyal, miyembro ng mga partidong politikal, campaign volunteer at mga advocate na nakararanas ng pang-aabuso dahil sa kanilang pakikilahok sa pulitika.
Kabilang sa mga nais tugunan ang pisikal, seksuwal, sikolohikal, ekonomiko at institusyonal na karahasan, gayundin ang pang-aabusong isinasagawa sa pamamagitan ng teknolohiya at online platforms.
Ayon kay hontiveros, layunin ng panukala na magtakda ng mga mekanismo para sa pagrereklamo at proteksiyon ng mga biktima, pati na ang mas maayos na koordinasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan, digital platforms at law enforcement upang mapigilan at maparusahan ang ganitong uri ng karahasan.















