-- Advertisements --
Nagwagi ng gintong medalya sa Internationales Springer Meeting sa Cottbus, Germany si Pinoy pole vaulter EJ Obiena.
Naitala nito ang 5.77 meters clearance kung saan parehas sila ni World Number 5 Manno Vloon ng the Netherlands.
Kasama sana nila si world number 4 na si Sam Kendricks ng US subalit bigo ito sa ikatlong attempt.
Susunod na torneo na lalahukan ni Obiena ang Asian Indoor Championships sa Tianjin, China na gaganapin mula Pebrero 6 hanggang 8.
















