Nahaharap sa matinding batikos ang Department of Health (DOH) matapos lumabas ang mga dokumentong nagpapakita na ang pinakamalaking alokasyon ng Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) sa panukalang 2026 budget ay napunta umano kay Senator Bong Go.
Batay sa impormasyon, nag-leak umano ang dokumento mula sa tanggapan ni DOH Undersecretary Elmer Punzalan, nakasaad sa mga annexes ng DOH budget ang mga MAIP allocation para sa mga senador bilang bahagi ng budget amendments.
Sa naturang listahan, si Senador Go umano ang nakakuha ng pinakamalaking bahagi ng pondo na nagkakahalaga ng ₱300,000,000 million, na sinundan umano ni Senate President Tito Sotto na may ₱200,000,000 million.
Ang paglalaang ito ay direktang sumasalungat sa bagong polisiya ng pamahalaan na mahigpit na nagbabawal sa pag-uugnay ng MAIP sa mga politiko.
Layunin ng nasabing pagbabawal na iwasan ang “patronage politics” at matiyak na ang tulong medikal ay diretso sa mga nangangailangan nang walang bahid ng politika.
Si Senador Go ay kilalang kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang nagpahayag na si DOH Undersecretary Albert Domingo na ang pondo ng MAIP ay dapat lamang i-download sa mga ospital na pinatatakbo ng local government.
Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Department of Health (DOH) hinggil sa nasabing isyu at maging ang tanggapan ni Senator Bong Go.










