-- Advertisements --

Naghain na ng kanyang counter-affidavit si Senator Joel Villanueva kaugnay ng reklamong malversation na may kinalaman sa isang flood control project sa lalawigan ng Bulacan.

Ang paghahain ng counter-affidavit ng Senador nitong Biyernes ay bago ang itinakdang pinalawig na deadline sa ika-26 ng Enero, matapos pagbigyan ng prosecution panel ang mosyon ng senador para sa palugit.

Ayon kay Department of Justice Spokesperson, Atty. Polo Martinez, nauna ang paghahain ng dokumento bago ang nakatakdang pagdinig ng preliminary investigation nitong Lunes.

Si Senator Villanueva ay kabilang sa mga respondent sa tatlo sa anim na kasong isinampa na may kaugnayan sa mga construction firm na Wawao Builders at Topnotch Catalyst Builders, Incorporated.

Ang lahat ng mga kasong ito ay kasalukuyang dumaraan sa preliminary investigation ng DOJ.