Umaabot sa mahigit 11,000 pastors at church workers mula sa Pilipinas at iba’t ibang bansa ang dumalo sa taunang Vision Casting ng Jesus Is Lord Church Worldwide (JILCW) sa Pasay City nitong weekend.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Sen. Joel Villanueva ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng gawain ng kanilang simbahan sa kabila ng mga hamon.
Hinikayat niya ang mga church leaders na huwag panghinaan ng loob sa panahon ng aniya’y “persecution,” “crisis” at “personal trials.”
Binigyang-pansin din ni Villanueva ang papel ng simbahan sa direksyon ng bansa.
Aniya, “Where the church goes, the nation goes. Tinawag at pinili tayo upang maging asin at ilaw ng sanlibutan.”
Ang pagtitipon ay nagsilbing paalala sa mga lider ng grupo na ang kanilang misyon ay hindi lamang espirituwal kundi may malaking impluwensiya rin sa lipunan at sa kinabukasan ng bansa.















