Tuloy pa rin ang kaso laban kina Senador Joel Villanueva at Sen. Francis Escudero, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
Ito ay sa gitna ng mga alegasyon na makakaapekto sa mga kaso ang paglipat ng dalawang senador sa kasalukuyang mayorya ng Senado.
Matatandaang inakusan si Villanueva ni dating DPWH Bulacan First District engineer Henry Alcantara na tumanggap umano ng P150 milyong halaga ng kickback para sa multi-purpose building project sa probinsiya. Subalit, itinanggi naman ng senador ang naturang akusasyon.
Si Escudero naman ay inakusahan ding tumanggap umano ng kickbacks mula sa flood control projects, na pinasinungalingan din ng mambabatas.
Samantala, pinabulaanan ni Ombudsman Remulla ang mga pangambang tinatarget diumano ng anti-graft body ang bagong minorya ng Senado.
Ani Remulla, wala itong katotohanan dahil kung maaalala aniya karamihan sa mga nakapiit ngayon ay mga kaalyado nila.
















