-- Advertisements --

Pinagsusumite ngayon ng Office of the Ombudsman ang 18-nagpakilalang mga dating sundalo ng magkakahiwalalay na salaysay sa tanggapan.

Ayon mismo kay Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, sila’y nagpadala ng sulat sa abogado ng grupo na si Atty. Levito Baligod hinggil rito.

Kung saan inatasan ang abogado na ipresenta ang magkakahiwalay na salaysay o affidavits ng kada-sundalong kasamang lumagda sa kanilang ‘joint-affidavit’.

Giit kasi ni Ombudsman Remulla na hindi malinaw o kapani-paniwala na magkakapareho ang nalalaman ng 18-dating sundalo.

Kanya ring binigyang diin na ang ‘affidavit’ ay isang testimonya o salaysay ng indbidwal base sa kanyang personal na nalalaman.

Kasunod ang pahayag ni Ombudsman Remulla nang magsumite ang 18-dating sundalo ng kanilang ‘joint-affidavit’ sa tanggapan ng tanod-bayan.

Naglalaman ito ng mga alegasyon at paratang nagdadawit ilang mga senador, mambabatas at iba pang opisyal ukol sa male-maletang ‘delivery’ ng pera.

Kaya naman itinalaga na ng Ombudsman maging ang National Bureau of Investigation upang tiyakin o suriin ang pagkatao ng mga dating sundalo.

Ayon kasi kay Ombudsman Remulla, ang ilan sa mga ito ay may kinakaharap na kasong murder.

Gayunpaman, pagtitiyak ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na sila’y magiging patas hinggil rito at sinabing hindi ito pepersonalin bagkus hahayaan ang mga kawani ng tanod-bayan mag-imbestiga.